Monday, June 24, 2013

Pain in the Ass

So here I am again, working so hard and earning less... 
One day of happiness and peace of mind, six days of sorrow...
So tired, exhausted and hopeless...
If only I could turn back time, I won't waste my time on you...


Monday, May 28, 2012

Simangot

bakit ganun
naalala ko lang mag post pag galit ako
pag malungkot
masama ang loob...
di gaya ng iba
puro kasiyahan ang nakukuwento...

ganun ba ako ka bitter?
o ganun sila kaipokrita?
kahit sobrang lungkot nila
pinakikita nilang masaya sila
kahit sobrang hirap sa buhay
kunwari ay nananagana...

sino ba ang totoong tao?
ako ba o sila?
sino ba ang nagpapakatotoo,
at sino ang nagbabalat-kayo?



Monday, April 9, 2012

Bad Memories

Ilang buwan na rin ang nakalilipas,
pero diko talaga makalimutan ginawa nya sa akin,
sa lahat ng pinakita kong kabutihan,
pag-aangas pa ang isinukli nya,
ngayon, magdusa sya...


Diko alam kung hanggang kelan ako magagalit,
kahit siguro makipagbati sya, di na ako makikipaglapit
ayoko sa lahat yung tinitira ako ng palihim...
at pinaglalaruan nya ako at pinaiikot.

Monday Funday

Ang saya kanina
hagikgikan ng mga bata, 
lagaslas ng tubig sa inflatable swimming pool...
konting barbeque at spaghetti...
at mga ngiti sa labi...

Enjoy na enjoy ang mga bata,
sarap na sarap sa malamig na tubig,
pumapawi sa mainit na panahong dinaranas...
masayang-masaya ang lahat...

Buti na rin at di nakijoin ang prinsesa,
at least di nasira araw ko kanina...
twing makikita ko sya kumukulo dugo ko...
salamat na lang at nagkulong sya sa lungga nya...

Nahapo kaming lahat pagdating ng hapon...
Nagtulugan na lahat
gabi na nagsibangon...
ang sarap ng feeling, nakakarelax...
Napakagandang araw, sana ay dina magwakas.

Craving for a Bedroom Makeover!!!

Gusto ko green paint...
with green bedsheet and pillow cases...
may small table sa gilid ng kama at sa ibabaw ay may magandang lampshade...
sa wall ay may tatlong paintings, or pictures na nasa kwadro...
at sa aking bintana'y may berde ring kurtina...

Di kailangang magkakakulay, I just want different shades of green...
o kaya green at puti...
Yung masarap sa paningin, masarap sa mata...
Lalo na pag pagod na akong magtrabaho...
titigan ko lang ang aking kwarto ay masaya na ko...

Kelan ko kaya magagawa lahat ng ito?
kung bawat araw ay gahol na gahol ako...
bawat linggo'y sapat lang ang kinikita ko...

Ang hirap mabuhay ng komportable...
Sana isang kumpas lang ng kamay ko...
mangyari lahat ng mga bagay na inaasam ko.


Thursday, April 5, 2012

Kayod Kalabaw

Gabi-gabi puyat...
Mata'y laging dilat...
Habang silang lahat ay naghihilik...
Ako ay nangangawit...
Ang sakit sa likod, sa braso at batok...
Kailangang tiisin...
Ang sarili'y kailangan tikisin...
Sa paglipas ng panahon,
Sana di maglaon
Ang hirap maging sarap
Magbunga ang magandang pangarap...

Bati na ulet!

Bakit ganun? Kahit sobrang galit mo halos maiyak ka na sa inis, kinabukasan, nawawala din? 
No pansin pa kunwari, pero sa huli, magpapalambing din...
Nakakainis...
Ganun ba talaga pag mahal mo?
O para na lang sa mga anak mo?
Ang hirap...