Ang saya kanina
hagikgikan ng mga bata,
lagaslas ng tubig sa inflatable swimming pool...
konting barbeque at spaghetti...
at mga ngiti sa labi...
Enjoy na enjoy ang mga bata,
sarap na sarap sa malamig na tubig,
pumapawi sa mainit na panahong dinaranas...
masayang-masaya ang lahat...
Buti na rin at di nakijoin ang prinsesa,
at least di nasira araw ko kanina...
twing makikita ko sya kumukulo dugo ko...
salamat na lang at nagkulong sya sa lungga nya...
Nahapo kaming lahat pagdating ng hapon...
Nagtulugan na lahat
gabi na nagsibangon...
ang sarap ng feeling, nakakarelax...
Napakagandang araw, sana ay dina magwakas.
No comments:
Post a Comment