Monday, May 28, 2012

Simangot

bakit ganun
naalala ko lang mag post pag galit ako
pag malungkot
masama ang loob...
di gaya ng iba
puro kasiyahan ang nakukuwento...

ganun ba ako ka bitter?
o ganun sila kaipokrita?
kahit sobrang lungkot nila
pinakikita nilang masaya sila
kahit sobrang hirap sa buhay
kunwari ay nananagana...

sino ba ang totoong tao?
ako ba o sila?
sino ba ang nagpapakatotoo,
at sino ang nagbabalat-kayo?



Monday, April 9, 2012

Bad Memories

Ilang buwan na rin ang nakalilipas,
pero diko talaga makalimutan ginawa nya sa akin,
sa lahat ng pinakita kong kabutihan,
pag-aangas pa ang isinukli nya,
ngayon, magdusa sya...


Diko alam kung hanggang kelan ako magagalit,
kahit siguro makipagbati sya, di na ako makikipaglapit
ayoko sa lahat yung tinitira ako ng palihim...
at pinaglalaruan nya ako at pinaiikot.

Monday Funday

Ang saya kanina
hagikgikan ng mga bata, 
lagaslas ng tubig sa inflatable swimming pool...
konting barbeque at spaghetti...
at mga ngiti sa labi...

Enjoy na enjoy ang mga bata,
sarap na sarap sa malamig na tubig,
pumapawi sa mainit na panahong dinaranas...
masayang-masaya ang lahat...

Buti na rin at di nakijoin ang prinsesa,
at least di nasira araw ko kanina...
twing makikita ko sya kumukulo dugo ko...
salamat na lang at nagkulong sya sa lungga nya...

Nahapo kaming lahat pagdating ng hapon...
Nagtulugan na lahat
gabi na nagsibangon...
ang sarap ng feeling, nakakarelax...
Napakagandang araw, sana ay dina magwakas.

Craving for a Bedroom Makeover!!!

Gusto ko green paint...
with green bedsheet and pillow cases...
may small table sa gilid ng kama at sa ibabaw ay may magandang lampshade...
sa wall ay may tatlong paintings, or pictures na nasa kwadro...
at sa aking bintana'y may berde ring kurtina...

Di kailangang magkakakulay, I just want different shades of green...
o kaya green at puti...
Yung masarap sa paningin, masarap sa mata...
Lalo na pag pagod na akong magtrabaho...
titigan ko lang ang aking kwarto ay masaya na ko...

Kelan ko kaya magagawa lahat ng ito?
kung bawat araw ay gahol na gahol ako...
bawat linggo'y sapat lang ang kinikita ko...

Ang hirap mabuhay ng komportable...
Sana isang kumpas lang ng kamay ko...
mangyari lahat ng mga bagay na inaasam ko.


Thursday, April 5, 2012

Kayod Kalabaw

Gabi-gabi puyat...
Mata'y laging dilat...
Habang silang lahat ay naghihilik...
Ako ay nangangawit...
Ang sakit sa likod, sa braso at batok...
Kailangang tiisin...
Ang sarili'y kailangan tikisin...
Sa paglipas ng panahon,
Sana di maglaon
Ang hirap maging sarap
Magbunga ang magandang pangarap...

Bati na ulet!

Bakit ganun? Kahit sobrang galit mo halos maiyak ka na sa inis, kinabukasan, nawawala din? 
No pansin pa kunwari, pero sa huli, magpapalambing din...
Nakakainis...
Ganun ba talaga pag mahal mo?
O para na lang sa mga anak mo?
Ang hirap...

Wednesday, April 4, 2012

Prinsesa ng mga Linta


"Sayang, ganda mo pa naman, pero utak mo kinakalawang!"


"Ang name, Majestic! Ang face, Fantastic! Ang ugali, Plastic! All in all, Autistic!"


Yan ang mga katagang naiisip kong ipost sa FB pero wag na lang...


Sayang ang effort at oras ko, di ka naman tatablan sa kapal ng taba mo...


Sino kaba? Kawalan?


Baka ikaw pa ang nawalan, ng kaibigan, ng tsinitsismisan, ng sinisiraan, at ng 


sandigan twing magigipit kayo't mawawalan ng trabaho...

Pati gamot ng anak ko sinisimot nyo...

Pati gamit kong hiniram mo, pinabayaan mo...

Daming nabibiling di naman kaylangan pero ang anak, di mabilhan ng maayos-


ayos na damit...

Buti pa ang ina, nananaba... ang anak, nangangayayat...

Pano ba naman, P5.00 na taho para sa anak, P10.00 para sa kanya...

Baligtad diba?

Ansama ko no?

Epekto lang to ng ginawa mo sakin...

Sobrang bait ko sayo, eto ang napala ko?

Kaya ngayon, magbati man tayo, LINTA ka na sa paningin ko!

Manggagamit na, plastik pa!

Maraming sumasama na tao dahil sa mga katulad mo!!!


Kadamutan

Sa lahat ng pagbibigay, pag-iintindi, at pagpaparaya ko, kadamutan ang iginaganti mo...


Kahit bulabugin mo ako sa gabi, madaling-araw, ok lang dahil alam ko natutulungan kita sa paraang ito...


Wala akong hinihinging kapalit mula sa yo


Pero ang minsang ako naman ang mangailangan, saglit lang naman, hindi gaya mo na oras-oras, araw-araw ang pang-iistorbo mo, hindi mo mapagbigyan...


Kahit di mo sabihin, basang-basa ko sa mga mata mo, ayaw mo...


Sa kilos mo, sa mga sagot mo... halatang pinagdadamutan moko...


Pwes, simula ngayon, madamot na rin ako sayo!!!

Bangungot

Ang hirap isipin na habang nagpapakasubsob ka sa paghahanapbuhay, ang tinuturing mong katuwang sa buhay ay nagpapakasaya at nagrerelax... 

Walang konsiderasyon, walang concern. Kinain na yata ng bisyo ang utak! I  think I deserve better than this man... 

Totoo pala na pag nagkaanak ang isang babae, nagiging martir na asawa para sa mga anak... 

Sana di na lang ako nagkaanak, sana panaginip lang lahat ng ito...